Kapamilya Stars, nagbigay suporta sa ‘Iska’ ni direk Theodore Boborol

Kapamilya Stars, nagbigay suporta sa ‘Iska’ ni direk Theodore Boborol

Isa ang “Iska” sa mga inaabangan ngayon na entry sa pagbubukas ng Cinemalaya 2019.

BY KIKO ESCUADRO

FRESH SCOOPS

3/21/2019 4:46 PM
Kapamilya Stars, nagbigay suporta sa 'Iska' ni direk Theodore Boborol

Sanib puwersa ngayon ang Kapamilya stars para sa direktor na si Theodore Boborol na bahagi ngayon sa nalalapit na pagbubukas ng Cinemalaya 2019.

Isa ang pelikulang “Iska” ni Boborol sa mga inaasahan na mapapanood sa prestihiyosong independent film festival sa Pilipinas.

Sa kanilang mga social media account, nagbigay suporta na ang ilan sa mga nakatrabaho ni Boborol gaya nina Julia Barretto, Barbie Imperial, Sue Ramirez, Marco Gumabao at iba pa.

Julia Barretto 

Barbie Imperial 

Sue Ramirez

 

Marco Gumabao

John Arcilla

Sa unang pasilip palang ng “Iska” umani na agad ito ng papuri mula sa mga kritiko at fans ng independent film.

Ang “Iska” ay umiikot sa kuwento ng isang dalaga at kanyang lola na nagta-trabaho bilang isang taga-photo copy sa loob ng University of the Philippines sa Diliman.

Malapit kay Boborol ang kanyang Cinemalaya entry, lalo na at siya ay nagtapos sa UP Diliman ng kursong Broadcast Communication.

Sa darating na Agosto 2, mapapanuod ang “Iska” kasabay ng pagbubukas ng 2019 Cinemalaya Film Festival.