Kapuso comedienne Divine sympathizes with Xander Ford

D

Kapuso comedienne Divine sympathizes with Xander Ford

Kapuso comedienne Divine Aucina sympathizes with Xander Ford; admits being bullied for her looks

IMAGE Firestarters Manila Production

Kapuso comedienne Divine Aucina feels good about Xander Ford’s recent makeover: “Yung idea na his dream finally came true yun yung nakaka-good vibes! Proud of this kid kasi kinaya niya, kumbaga one way lang pero siya sinuong niya yung one-way to meet his goal.”


Nakaka-relate daw ang Kapuso comedienne na si Divine Aucina kay Xander Ford, ang internet sensation na nag-trend kamakailan dahil sa mga pinagdaanan nitong cosmetic surgery.

Noong nakaraang October 2, nag-post si Divine sa kanyang Facebook account tungkol sa mga nalaman niyang hirap at sakit na pinagdaanan ni Xander, na dating kilala bilang Marlou Arizala.

Ito raw ay dahil sa pambu-bully dati kay Xander dahil sa kanyang hitsura.

Ikinatuwa ni Divine na natupad na ang pangarap ni Xander at napasaya niya ang mga taong hangad din ang kaligayahan niya sa kanyang bagong katauhan.

Pag-amin ni Divine, “Naawa ako kay Marlou kasi I have realized masyado siyang binibigyan ng expectations ng mga tao na hindi naman niya kailangan sundin.

“Dahil sa mga bash, siguro bata palang din siya bullied na siya despite having a confident character so yun yung drive niya to change.

“I somehow felt kawawa yung bata for living up to the people’s expectations. But at the same time natuwa ako upon hearing that it was his dream.”

Heto ang post ni Divine.

VICTIM OF BULLYING. Tulad ni Marlou, naranasan din daw ni Divine na ma-bully noong kabataan niya.

Kuwento nito, tinutukso at pinagtatawanan siya dahil sa kanyang kakaibang hitsura.

May isang insidente raw kunsaan nagtago pa siya sa school comfort room at doon siya umiyak.

Pero dahil sa suporta at pagmamahal ng kanyang pamilya at mga tunay na kaibigan, pinatunayan niya na kaya niyang higitan ang mga taong nambu-bully sa kanya.

“Hindi ko pinapabayaan na masira ako sa pambu-bully sa akin.

“Minahal ko ang sarili ko at naging productive ako para ma-overcome ko ang lahat ng pang-o-okray sa akin at ma-build up ang confidence ko.

“Ngayon di na ako apektado kahit na may mga bashing pa akong natatanggap paminsan-minsan sa social media.

“Kaya naging strong ako. I turned my fears into something unbreakable.

“Sa awa ng Diyos, I was able to excel in school.

“I graduated cum laude sa FEU [Far Eastern University] at naging active ako sa pag-arte sa teatro via PETA.

“Kumbaga, my looks do not define who I am. But it’s my determination and the will to be the person I was meant to be sa mundong ito,” diin pa ni Divine nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Face Time.

Ngayon ay napagkakakitaan na raw ni Divine ang kakaibang ganda niya.

Isa siya sa busiest comediennes ng Kapuso Network na mapapanood sa primetime teleserye na My Korean Jagiya at sa weekly comedy anthology na Dear Uge.

Read more at http://www.pep.ph/news/68391/kapuso-comedienne-divine-aucina-sympathizes-with-xander-ford-admits-being-bullied-for-her-looks#ATJg7mP7AtjKWlWT.99